top of page

Biography | Talambuhay

_mv_1797_edited.jpg

Clarence M. Batan, PhD is a Filipino sociologist, Professor at the Faculty of Arts and Letters, and Research Associate of the Research Center for Social Sciences and Education (RCSSED) at the University of Santo Tomas (UST), Manila, Philippines. He obtained his AB Major in Sociology from UST; MA in Sociology from the University of the Philippines-Diliman; and PhD in Sociology from Dalhousie University at Nova Scotia, Canada. His research interests are sociology of childhood and youth, sociology of work and employment, and qualitative and mixed methods. He was Vice President for Asia of the Research Committee 34 – Sociology of Youth of the International Sociological Association (2014-2018); former President of the Philippine Sociological Society (2017-2018); and a member of the Technical Committee for Sociology of the Philippine Commission of Higher Education (CHED).

 

Clarence’s dissertation on “istambays” at Dalhousie University (PhD Sociology, 2010) in Halifax, Nova Scotia, Canada, and his further research trainings at Brown University (Research Fellow, 2012 & Visiting Fellow for International Studies, 2013) at Providence, Rhode Island, USA, generated a novel conceptual and methodological approach to understanding the phenomenon of “waithood” among Filipinos caught and intertwined along education-employment structural difficulties. At present, Dr. Batan leads a multi-million grant, The National Catechetical Study (NCS) 2021: Pastoral Action Research and Intervention (PARI) Project commissioned by the Catholic Bishops’ Conference in the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (ECCCE) to understand the state and condition of catechetical ministry in the country.

Si Clarence M. Batan, PhD ay Pilipinong-sosyologo, Propesor ng Sosyolohiya sa Pakultad ng Sining at Panitik, at mananaliksik ng Research Center for Social Sciences and Education sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST). 

Tubong-Binangonan, Rizal, nagtapos siya ng AB Major in Sociology sa UST; Master of Arts in Sociology sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman; at PhD in Sociology sa Dalhousie University (Nova Scotia, Canada). Dalubhasa siya sa larangan ng sosyolohiya ng pagkabata, kabataan, edukasyon, hanapbuhay at iba’t iabng metodo sa pananaliksik sa agham panlipunan. 

Naging Vice President for Asia of the Research Committee 34 – Sociology of Youth of the International Sociological Association (2014-2018); dating Pangulo ng Philippine Sociological Society (2017-2018); at miyembro ng  Technical Committee for Sociology of the Philippine Commission of Higher Education (CHED). Ginawaran din siya ng post-doctoral fellowship sa Brown University (Research Fellow, 2012 & Visiting Fellow for International Studies, 2013) Providence, Rhode Island, USA. 

Si Dr. Batan ay naging direktor ng Research Center for Culture, Education, and Social Issues sa UST (2015-2017). Sa kasalukuyan, siya ang pangunahing-mananaliksik sa proyektong, The National Catechetical Study (NCS) 2021: Pastoral Action Research and Intervention (PARI) Project, na ikinomisyon ng Catholic Bishops’ Conference in the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (ECCCE) upang maintindihan ang kalagayan ng estado at kondisyon ng kateketikal na misyon ng simbahan sa bansa.

10359128_643129955763390_3755649099777673861_o_edited-747x464.jpg

Ang Aking Kredo sa Buhay

Mananatili akong simple sa lahat ng aking balakin. Ipagsasaya ko ang bawat umuusbong na ideya mula sa obserbasyon at karanasan. Matapat kong susuriin ang kalidad ng aking pakikitungo sa kapwa. Titingnan ko silang kabahagi ng mundo, kasamang anak ng Maykapal na di inuuri sa wika, kulay, anyo, yaman, natapos na pormal na edukasyon, kasarian, o anumang pinanghahawakang paniniwala.

 

Lilingon ako nang may pagkilala’t pasasalamat sa aking pinagmulan: mga magulang, kamag-anak, guro sa paaralan o sa malawak na pamantasan ng pakikipag-kapwa. Maluwag kong isusuko ang silakbo ng damdamin. Ilalaan ko ang aking enerhiya sa lubos na pagkilala sa sarili. Tutuklasin ko ang karunungan sa likod ng problema, hamon, tukso at mga panlilinlang. Na sa krusyal na panahon ng pagdedesisyon, ang piliin ko ay ang tamang – hindi nililipasan ng panahon sapagkat sumusunod prinsipyo nang natural na pagdaloy ng buhay....

Setyembre 2, 1999
4:30 ng hapon
Ibalong Centrum, Legaspi City, Philippines

bottom of page